^

Bansa

DAR Chief sinisingil na ng magsasaka

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Sinisingil na ng mga mag­sasaka ng Negros Oriental si Agrarian Reform Secretary Virgilio de los Reyes sa pangako nitong agarang ipag-uutos ang pagpapabalik sa kanila sa 61-ektaryang lupain na dating pag-aari ng pulitikal na angkan ng mga Teves.

Sa opisyal na pahayag ng Task Force Mapalad (TFM), sinabi ng mga magsasakang benepisaryo ng repormang sakahan na ipinangako sa kanila ng kalihim na ibabalik sila sa naturang lupain na isinailalim noon sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Pag-aaralan lamang muna umano ng kalihim ang kaso at ipoproseso ang kanilang mga kahilingan sa loob ng 15-araw.

Nabatid na ang mga magsasaka mula sa da­ting lupain ng mga Teves ang isang grupo na nagkakampo ngayon sa harap ng Department of Agrarian Reform (DAR) central office sa Quezon City.

Nais ng mga itong ta­pusin na ng ahensiya ang hid­waan sa pag-aari at kon­trol ng naturang lupain.

Hiniling ng kalihim sa mga magsasaka noong Setyembre 29 na bigyan lamang siya ng 15-araw para pag-aralan at desisyunan ang kaso. Pumayag naman ang mga magsasaka ngunit magpahanggang sa oras na isinusulat ang balitang ito ay wala pang tugon si de los Reyes.   

AGRARIAN REFORM SECRETARY VIRGILIO

COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM PROGRAM

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM

HINILING

NEGROS ORIENTAL

QUEZON CITY

REYES

TASK FORCE MAPALAD

TEVES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with