^

Bansa

Martin Nievera nag-sorry sa pag-awit ng Lupang Hinirang

-

MANILA, Philippines – Humingi ng pauman­hin kahapon ang singer na si Martin Nievera sa pub­ liko kaugnay sa pag­kanta niya ng sariling bersiyon ng Lupang Hini­rang sa laban ni Manny Pacquiao kay Ricky Hatton sa Las Ve­gas, Nevada noong Linggo na inulan ng bati­kos.

Ito’y kasunod ng pag­sita sa kanya ng National Historical Institute na may paglabag sa batas ang ginawa niyang pag­babago sa tono at tempo ng pam­bansang awit.

“Sorry sa mga hindi nagandahan sa pagkan­ta ko at salamat na lang sa mga nagustuhan. Sa si­mula acapela ang kan­ta ko kaya lang sa parte ng may marchingtone, hindi pu­wede ang acape­la kaya magkahalo,” ani Nievera sa isang pana­yam radyo.

Sinabi din ng actor-singer na nang kunin uma­no siya ni Pacquiao para umawit sa laban nito ay sinabihan siya ng Pinoy champ na bahala na siyang awitin ang Lupang Hini­rang, depen­de sa istilo niya, kaya ang rendition niya ang narinig sa araw ng laban.

Aminado naman si NHI chairman Ambeth Ocampo na hindi niya napanood o narinig ang pag-awit ni Nievera noong Linggo dahil nasa provincial trip siya at nalaman lamang niya sa mga nagkuwentong na­ka­panood.

Ani Ocampo, kahit umano ilang beses na pi­naalalahanan ang ilang artists, patuloy pa rin umano sa pagbabago ng tono ang mga ito sa pam­bansang awit.

Dapat daw may mar­ching tones ang pag-awit at 2/4 ang beat at 53 seconds base sa orihinal na composition at rendition ni Julian Felipe.

Si Martin ay mabagal sa una at masyadong bumirit sa pagtatapos na isa umanong paglabag sa Section 37 ng Republic Act No. 8491, o 1998 Flag and Heraldic Code of the Philippines.

Handa namang pata­warin ng NHI si Nievera at pag-uusa­pan na lamang uma­no ang isyu. (Ludy Bermudo)


AMBETH OCAMPO

ANI OCAMPO

FLAG AND HERALDIC CODE OF THE PHILIPPINES

JULIAN FELIPE

LAS VE

LINGGO

LUDY BERMUDO

LUPANG HINI

NIEVERA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with