^

Bansa

Marcelino di aalis sa PDEA

-

Hindi ako kapit-tuko!

Ito ang binigyang diin kahapon ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) whistleblower Marine Major Ferdinand Marcelino kaugnay ng mga patutsada laban sa kan­yang pananatili sa nasa­bing ahensya.

Sinabi ni Marcelino, chief ng Special Enforcement Service ng PDEA na handa niyang bakantehin ang kanyang puwesto kung ito ay ipag-uutos ng nakatataas sa kanya.

Una rito, binira ni Justice Secretary Raul Gon­zales si Marcelino dahil labag umano sa Konsti­tusyon na ang isang akti­bong opisyal ng AFP ay magtrabaho sa anumang ahensya ng gobyerno.

Sinabi ni Marcelino na hindi niya pinagsisisihan ang pagsali sa PDEA da­hilan sa malalang prob­lema sa droga sa bansa kung saan maraming ka­ba­taan ang kaniyang na­sagip.

Sa tala ng AFP, si Mar­celino ay isang may integ­ridad na opisyal na kabi­lang sa intelligence operatives na nasa likod ng pag­kaka-neutralisa kay Aldam Tilao, alyas Abu Sabaya, may patong sa ulong P5-M noong Hunyo 2002.

Si Marcelino rin ang nakatimbog sa anak ni Manila Mayor Alfredo Lim na si Manuel Lim at da­lawang iba pa na nahu­lihan naman ng 100 gramo ng shabu sa Sta. Cruz, Manila noong Marso 2008. (Joy Cantos)

ABU SABAYA

ALDAM TILAO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

JOY CANTOS

JUSTICE SECRETARY RAUL GON

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANUEL LIM

MARCELINO

MARINE MAJOR FERDINAND MARCELINO

SHY

SI MARCELINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with