^

Bansa

Tradisyunal na jeep may tatlong taon pa sa Pilipinas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Tradisyunal na jeep may tatlong taon pa sa Pilipinas

Nilinaw ni Elmer Argaño, communications officer ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT), hindi pa nila mabibigla ang pagpapalit ng mga modernong ‘E-jeep’ ngayong taon na umano’y inuunti-unti muna ng pamahalaan. AP

MANILA, Philippines — May tatlong taon pa para manatili ang mga kasalukuyang tradisyunal na jeep na bago tuluyang walisin sa mga kalsada sa buong bansa sa ipinatutupad na modernisasyon ng Department of Transportation (DOTr).

Nilinaw ni Elmer Argaño, communications officer ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT), hindi pa nila mabibigla ang pagpapalit ng mga modernong ‘E-jeep’ ngayong taon na umano’y inuunti-unti muna ng pamahalaan.

Ito ay makaraang ma­bigo ang DOTr sa pangako na nasa 500 E-jeeps na ang maaaring pumasada sa Metro Manila nitong nakaraang Enero.

Kasalukuyang inaayos pa ang ibang mga ‘components’ ng programa kabilang ang sistema ng pautang, pagbuo ng mga kooperatiba para sa mas magandang ‘leverage’ sa mga uutang, at pakikipag-usap sa mga ‘manufacturer’ at mga bangko. 

“May estimated na 400,000 plus na PUJs nationwide. Hindi naman magsasabay-sabay yung volume ng production, kahit malalaking kumpanya hindi nagpo-produce ng ganun.  Nasa 10,000-20,000 lang, let say, para sa Pilipinas ang maaaring i-produce per year ng isang kumpanya,” ayon sa kanya.

Dagdag pa sa nagpapatagal ng programa ang pagiging atubili ng mga tsuper at operators na bumuo ng mga grupo na may 50-100 miyembro para sa bultuhang pagkuha ng mga units.  Kasama rin dito ang pakiki­pagtawad ng mga operators sa itinakdang P80,000 na babayaran ng pamahalaan para sa kanilang mga bulok na jeepney units.

Ngunit iginiit rin ng opis­yal na sa loob ng tatlong taon ay inaasahan nang mawawalis lahat ng jeep na hindi ‘Euro 4 o Euro 5 model’ na mga jeep.  Kasama rin dito ang mga jeep na nahuhuli nila sa “Tanggal Bulok, Tanggal Usok operations” kahit na inaayos na ng mga may-ari ang kanilang mga units.

“Mas malalim po ang modernization, kailangan res­ponsive sa climate change at pasado sa Euro 4 at Euro 5 pataas. Ang generation ng mga jeep ngayon ay tala­gang hindi pasok pero may panahon pa sila na harapin iyan,” dagdag ni Argaño.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with