^

Bansa

AFP, PNP full alert sa CPP anniversary

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
AFP, PNP full alert sa CPP anniversary

Ayon kay Col. Edgard Arevalo, Spokesman ng AFP, inatasan na nila ang kanilang mga units sa buong bansa na maging handa sa lahat ng oras dahil sa inaasahang patraydor na pag-atake ng New People’s Army na armadong hukbong orga­nisasyon ng CPP. AP/Aaron Favila, File

MANILA, Philippines — Kasabay ng pagdiriwang kahapon ng ika-49 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Communist Party of the Philippines (CPP), nagdeklara ng full alert status ang liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) laban sa komunistang grupo ng mga terorista sa  mga balwarte nitong lugar sa bansa.

Ayon kay Col. Edgard Arevalo, Spokesman ng AFP, inatasan na nila ang kanilang mga units sa buong bansa na maging handa sa lahat ng oras dahil sa inaasahang patraydor na pag-atake ng New People’s Army na armadong hukbong orga­nisasyon ng CPP.

 Sa tala, karaniwan nang naglulunsad ng serye ng mga pagatake ang mga teroristang NPA sa tuwing magdaraos ng anibersaryo kung saan ang paghahasik ng terorismo ng mga ito ay karaniwan ng tumatagal ng isang linggo o higit pa.

 Ayon naman kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nakahanda ang tropa ng militar sakaling magsagawa ng patraydor na pagatake ang NPA terrorists.

Inihayag pa ni Arevalo na mananatili sa ‘active defense posture’ ang AFP  kasunod naman ng idineklarang ceasefire ngayong kapaskuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa hanay ng komunistang mga terorista.

Sa panig ng Philippine National Police, inalerto na rin ni PNP Chief P/Director General Ronald “Bato’ dela Rosa ang kapulisan sa posibleng mga atake ng NPA terrorists partikular na sa mga kanayunan.

Ayon kay PNP Directorate for Operation P/Director Camilo Pancratius Cascolan, lahat ng mga unit ng pulisya ay inatasang paigtingin pa ang mahigpit na pagbabantay at maging alerto upang supilin ang mga atake ng naturang grupo kaugnay ng anibersaryo ng CPP.

Magugunita na nagdeklara ng tigil-putukan  ang pamahalaan sa CPP-NPA terrorists ngayong kapaskuhan mula alas-6:00 ng gabi ng Disyembre 23 hanggang alas-11:59 ng gabi ng Disyembre 26, mula alas-6 ng gabi  ng Disyembre 30 ng alas -11:59 ng gabi naman hanggang Enero 2, 2018.

Samantalang tinugon naman ito ng sariling bersyon ng tigil-putukan ng CPP-NPA mula alas-6 ng gabi ng Disyembre 23 hanggang alas -6 ng gabi ng Disyembre 26 at mula alas-6 ng gabi ng Disyembre 30  hanggang alas-6 ng gabi ng Enero 2, 2018.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with