^

Bansa

PANOORIN: Aguirre nahuling ka-text ang VACC para kasuhan si Hontiveros

Pilipino Star Ngayon
PANOORIN: Aguirre nahuling ka-text ang VACC para kasuhan si Hontiveros

Dahil dito, hiniling ni Hontiveros ang pagbibitiw ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na binanggit din ang pagiging "fake news king" ng kalihim. Philstar.com/AJ Bolando, file

 

MANILA, Philippines – Sa kakaibang pagkakataon, hindi sinasadyang nahuli ng isang photographer ang umano’y usapan ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre at ng isang miyembro ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) habang nasa pagdinig ng Senado.

Sa privilege speech ni Sen. Risa Hontiveros ipinakita niya ang larawan ng hindi pinangalanang photographer na nahagip ang text message ni Aguirre sa isang “Cong. Jing” na pinaniniwalaang si dating former Negros Oriental Rep. Jacinto “Jing” Paras na miyembro ng VACC.

“Sa unang tingin, walang kakaiba sa larawang ito, lahat naman tayo ay napapasilip-silip sa cellphone sa gitna ng Senate hearing. Ngunit, nabahala ang kumuha nung inenlarge niya ang larawan ni Ginoong Aguirre,” wika ni Hontiveros.

“Babasahin ko po ang nakalagay. "Text ng Kausap niya: ‘Naturuan na ni Hontiveros ang testigo. Her questions are leading questions.’ Reply ni Sec. Agurre: ‘Yon nga sinasabi ko dito. Very obvious. Kaya nga expedite natin ang cases niyo vs her,’” dagdag niya.

Ikinabahala ito ni Hontiveros dahil makapangyarihan ang pwesto ni Aguirre. Bukod dito, tinukoy rin niya na ang VACC ang nasa likod ng paghahain ng impeachment case laban kay Chief Justice Sereno at nagpahayag din ng impeachment laban kay Ombudsman Conchita Carpio Morales.

Dahil dito, hiniling ni Hontiveros ang pagbibitiw ni Aguirre na binanggit din ang pagiging "fake news king" ng kalihim.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with