^

Bansa

25th founding anniversary ng SBMA, handa na

Pilipino Star Ngayon
25th founding anniversary ng SBMA, handa na

Atty. Wilma T. Eisma

SUBIC BAY FREE­PORT , Philippines   — Naghahanda na ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) para sa engrandeng pagdiriwang ng silver anniversary sa Nobyembre 2017.

Ayon kay SBMA Admi­nistrator at CEO Atty. Wilma T. Eisma, inaprobahan ng mga opisyal ng ahensiya ang mga aktibidad na gagawin sa pagdiriwang ng 25th taon ng pagkakatatag ng Subic Bay Freeport Zone na kinukunsiderang isa sa mga success stories ng military base conversion sa mundo.

Napakahalagang milestone ng Subic Freeport ang 25th founding anniversary kaya kailangang maging espesyal din ang mga aktibidad ng SBMA,” pahayag ni Atty. Eisma na isa rin sa mga orihinal na volunteer na tumulong upang maprotektahan at mapangalagaan ang mga pasilidad ng Subic Bay matapos lisanin ng U.S. Navy ang Subic Bay noong 1992.

“Malayo na ang narating ng Subic, salamat sa sakri­pisyo at pagpupursigi ng napakaraming mamamayan sa loob ng maraming taon at ang parangal para sa kanila ay isa sa malaking bahagi ng selebrasyong ito,” dagdag pa ni Eisma.

PAGBABALIK-TANAW

“SBMA at 25” Celebra­ting the Past, Forging the Nation’s Future,” ang magiging tema ng selebrasyo.

Magsisimula ang selebrasyon sa Nobyembre 6 sa flag-raising ceremony sa makasaysayang Bldg. 229, ang main office ng SBMA, na susundan ng  motorcade sa Central Business District ng Freeport habang may mga eroplanong nagsasagawa naman ng streamer at confetti drops sa himpapawid, at water cannon salutes naman sa mga barko sa Subic Bay.

Magsasagawa rin ang SBMA Labor Department ng job fair sa pakikipagtulungan ng mga business locators ng Subic Bay Freeport.

Iba pang mga aktibidad para sa kabuuan ng buwan ng Nobyembre ay SBMA Family Day at “SBMA Got Talent” sa Nobyembre 18 na magtatapos sa pagbubukas ng giant Christmas Tree sa Boardwalk Park.

Samantala, magkakaroon din ng tatlong-araw na “Subic Bay Grand Sale” sa Remy Field at sa mga tou­rism establishments simula Nobyembre 24 hanggang 26.

Ito ay susundan ng isang awarding ceremony bilang pagkilala sa mga pioneer investor companies at mga pioneer SBMA employees.

Isang float at foot parade naman na lalahukan ng mga representante mula sa local government units ang gaganapin sa Waterfront Road.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with