^

Bansa

‘Sige, maghimagsik kayo,’ - Digong

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
�Sige, maghimagsik kayo,� - Digong

“Hinihimok ko kayong lumabas sa mga kalsada. Lahat. Sino ‘yung may gusto ng… Ano ‘yun? Himagsikan, sige. Himagsikan is uprising. Kung nais ninyong gawin iyan, sige. May bendisyon ko kayo. Walang makakaharang sa inyo sa mga kalsada,” sabi ni Duterte. File

Rebolusyon laban sa kanyang administrasyon

MANILA, Philippines -  Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang humikayat sa mga mamamayan kamakalawa ng gabi na sumali sa pag-aaklas o himagsikan. Ibinibigay niya anya ang kanyang “basbas” sa mga nais mag-aklas laban sa kanyang administrasyon.

“Hinihimok ko kayong lumabas sa mga kalsada. Lahat. Sino ‘yung may gusto ng… Ano ‘yun? Himagsikan, sige. Himagsikan is uprising. Kung nais ninyong gawin iyan, sige. May bendisyon ko kayo. Walang makakaharang sa inyo sa mga kalsada,” sabi ni Duterte.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag kamakalawa ng gabi matapos magsagawa ng rally ang ilang grupo para iprotesta ang pagkamatay ng 17 taong gulang na si Kian Lloyd delos Santos sa kamay ng mga pulis na nagsagawa ng anti-drug operation sa Caloocan City kamakailan.

Sinabi pa ni Duterte na hindi niya pipigilan ang mga mamamayan na gusto ng himagsikan at karahasan.

“Kung karahasan ang pipiliin niyo, sige. Malalaman natin. Kung himagsikan lang kaya… Pag-aalsa iyan. Kung gusto ninyo himagsikan, eh ‘di sige. Hinihikayat ko ang lahat ng mga Pilipino na gusto ng himagsikan na makilahok dito,” sabi ni Duterte.

 Pero sinabi rin ni Du­terte na poprotektahan rin niya ang gobyerno pero kung makita niya na siya na lamang ang nagtatanggol sa gobyerno ay bababa siya sa puwesto.

“I will just have to protect. If I found… If I found… Or if I find or found out later that I am the only one defending the government, then I would be happy to go down. Walang problema ‘yan. Wala akong illusions diyan about staying for five years,” sabi ni Duterte.

Idinagdag pa niya na magpapadala siya ng mga sasakyan sa mga gustong sumama sa rally.

“Go ahead. Himagsikan. It is an uprising. I encourage you to do it. At lahat ng Pilipino na naniwala diyan sa kabila, then you participate in the rally. And I assure you, I will even send trucks there for your transportation. Mag-ano ako. Kung mag-request sila ng sasakyan. I will… Just tell me when, kasi ipa-parking ko diyan sa Luneta to --- para masakyan. Where do you want to go?” ani Duterte.

Matagal na rin aniyang hinihintay ni Duterte na magkaroon ng pagbabago at isang gumaganang gobyerno.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with