^

Bansa

Ex-clerk ni De Lima itinanggi ang P24M deposits, bank account

Starchild - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — "Laking gulat ko na ang inihain sa harapan ko ay BDO bank receipt amounting P24 million for the month of March and April 2014, kalakip ng mga pictures namin ni Senator De Lima.”

Ito ang pahayag ng ngayo’y kontorbersyal na dating tauhan ni Sen. Leila de Lima matapos lumabas ang balitang may P24 milyon na deposito sa kaniyang bank account noong 2014.

Sinabi ni Edna "Bogs" Obuyes na ikinagulat niya ang pagpapatawag sa kaniya ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre kung saan dinala siya sa opisina ng kalihim.

BASAHIN: Umano’y P24M na deposito sa ex-DOJ employee bineberipika pa – Aguirre

Nakakuha ng papeles ang The STAR mula sa source sa Department of Justice ng umano’y bank deposit slips ni Obuyes.

Itinanggi ni Obuyes na sa kaniya ang account lalo na’t ang “Bogs” na nakapangalan ay isang palayaw.

"Yung time na 'yan (2014) nasa CHR pa po ko. At ang pangalan ko do'n ay 'Bogs C. Obuyes,' na imposible ko namang gamitin 'yun dahil nickname ko lang po 'yun," sabi ni Obuyes sa kaniyng Facebook account.

Sinabi ng DOJ na si Obuyes ang isa sa kanilang mga testigo laban kay De Lima na isinasangkot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilegal na droga.

Pinabulaanan din ni Obuyes na nagbigay siya ng pahayag laban kay De Lima.

BASAHIN: Documents show P24-M cash deposits by De Lima staff

"Ang laman ng statement ko po ay puro pagtatanggi na walang katotohanan ang lahat. Pero bakit ang lumalabas ay against Sen. De Lima na ang statement ko," dagdag niya.

Samatala, ipinagtataka rin naman ni Aguirre kung sino ang nagbigay ng impormasyon tungkol sa bank deposits.

"Bineberipika pa namin 'yan dahil ayaw naming makuryente," pahayag ni Aguirre sa dzMM.

PANAGINIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->