^

Bansa

Poe dikit uli kay Digong

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat na porsyento na lang ang lamang ni Rodrigo Duterte kay Grace Poe, ayon sa pinakahuling survey ng Argus Poll Inc. sa may 6,000 respondents sa bansa mula Abril 28-30 ng taon.

Sa pagpulso ng Argus Poll Inc. ay nakakuha si Duterte ng 31%, samantalang 27%  ang pumili kay Poe bilang “presidential choice” kung ang halalan ay gaganapin sa nasabing mga araw ng pag-survey.

Ang kandidato ng LP na si Mar Roxas ay nakakuha ng 19%, kapareho rin ng 19% ni Vice President Jejomar Binay ng UNA.

Sa mga kandidato sa pagka-bise presidente ay nanguna pa rin si Sen. Bongbong Marcos na pinili ng 33 posiyento ng respondents, samantalang pumangalawa si Rep. Leni Robredo sa iskor na 24 porsiyento; Chiz Escudero, 22%; Alan Peter Cayetano, 13 %; Gregorio Honasan, 4% at Antonio Trillanes IV, 4%.

Higit pa sa pamamaraan ng SWS at Pulse Asia na pumipili lamang ng apat na libong respondents sa tinawag na “4 broad regions,”o ang balance Luzon, balance Visayas, balance Mindanao at balance NCR, ang Argus Poll Inc. ay pitong malala­king rehiyon sa bansa na may pinakamalawak na populasyon ang pinaghugutan ng pulso ng anim na libong rehistradong botante, at sinasabing may “margin of error “ na 1.9 % lang.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with