Botohan sa Mayo 9 gagawing mas maaga
MANILA, Philippines – Magsisimula sa ganap na alas-6 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon ang botohan sa Mayo 9 ayon kay Commission on Elections Chairman Andres Bautista.
Sa pagdinig ng Joint Congressional Oversight Committee on Automated Election System, inihayag ni Bautista na nais samatalahin ng komisyon ang “daylight” o araw at matapos ang botohan bago dumilim.
“We are doing this to take advantage of daylight. As much as possible we would like to start and finish while there is daylight,” pahayag ni Bautista.
Kaugnay nito, sinabi ni Senator Koko Pimentel na dapat paigtingin ng Comelec ang pagpapakalat ng impormasyon kaugnay sa mas maagang oras ng botohan.
Inihayag ni Comelec Commissioner Christian Robert Lim na ihahanda ng Board of Election Inspectors ang mga voting counting machine sa loob ng mga eskuwelahan ganap na alas-5 ng umaga upang masimulan ang botohan sa alas-6 ng umaga.
Inaasahan ng Comelec na mas hahaba ang kinakailangang oras ng pagboto dahil sa pag-imprenta ng voter verification receipts.
Samantala, sa kanyang opening statement, tiniyak ni Bautista na lahat na kinakailangan ay gagawin nila upang matiyak na pinaka-transparent sa kasaysayan ng Pilipinas ang 2016 elections.
- Latest