^

Bansa

Kampanya umarangkada na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagkanya-kanyang gimik ang mga kandidato sa kanilang proclamation rallies kahapon na simula ng 90 araw na pangangampanya bago ang presidential elections sa Mayo 9.

Pinili ng tambalang Sen. Grace Poe at Sen. Chiz Escudero na gawin ang kanilang kampanya sa Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila ang lugar kung saan inilun­sad din ni Poe ang kan­yang senatorial bid noong 2013.

Ang kampo naman ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas at katambal na si Rep. Leni Robredo ay mismong si Pangulong Aquino ang nanguna sa kanilang kick-off rally sa Capiz at Iloilo.

Kasama ang buong slate, alas-10 ng umaga ang proclamation rally ni Roxas sa mismong lalawigan na pinagmulan ng kanyang pamilya. Sa hapon ay tumungo sila sa Iloilo bilang bahagi pa rin ng proclamation rally.

?Habang si Vice Pre­sident Jejomar Binay at katambal na si Sen. Gringo Honasan ay pinili na gawin ang kanyang kick off rally sa Welfareville Compound sa Mandaluyong City para makasama raw ang mga mahihirap.

Pagkatapos sa Mandaluyong ay tumungo ang grupo ni Binay sa Cavite at Laguna para sa unang araw nang pangangampanya.

Alas-3 naman ng hapon ng magsagawa ng rally sina Davao Mayor Rodrigo Duterte at Sen. Alan Peter Cayetano sa Tondo, Maynila.?Pagkatapos nito ay didiretso ang tambalang Duterte-Cayetano sa Tugue­garao, Cagayan para sa second day ng kanilang pangangampanya.

Habang ang tamba­lang Sen. Miriam Defensor-Santiago at Sen. Bongbong Marcos ay minabuting gawin ang kanilang political rally sa Batac, Ilocos Norte.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with