Zambo niyanig ng 6.1 lindol
MANILA, Philippines - Niyanig kahapon ng 6.1 magnitude na lindol ang Zamboanga City, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, bandang alas-5:29 ng hapon kahapon ng yumanig ang lindol kung saan ang epicenter ay nasa 200km northwest ng Zamboanga City.
Sinabi ni Phivolcs Supervising Science Research Specialist Jane Punongbayan, sa kanilang inisyal na ulat ay intensity 4 ang naramdaman sa Zamboanga City at intensity 2 naman sa Dumaguete at Basilan.
Wala namang itinaas na tsunami warning ang Phivolcs matapos yumanig ang 6.1 magnitude na lindol kahapon sa Zamboanga pero may mararamdaman daw na mga after shocks. Wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa nasabing lindol.
- Latest