Malacañang asa pa rin sa e-powers ni PNoy
MANILA, Philippines – Muling nagpahayag ng pag-asa kahapon ang Malacañang na mabibigyan ng emergency powers ng Kongreso si Pangulong Aquino.
Ang hinihinging emergency powers ay kaugnay sa napipintong problema sa kakulangan ng kuryente sa bansa sa susunod na taon partikular sa darating na summer.
Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, umapela na ang Pangulo at umaasa itong pakikinggan ng mga miyembro ng Kongreso.
Pumasa na sa House of Representatives ang panukalang pagbibigay ng emergency powers sa Pangulo pero nakabinbin pa ito sa Senado.
Dagdag din ni Valte na hindi lamang sa emergency powers ang naging apela ng Pangulo kung hind maging sa pagpasa ng 2015 national budget.
Sasalang sa bicameral conference committee sa darating na Martes ang panukalang P2.606 national budget.
- Latest