^

Bansa

Pilipino Star NGAYON ‘Best Filipino Newspaper’

Mario D. Basco - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muli na namang nakamit ng Pilipino Star NGAYON (PSN) ang “Best Filipino Newspaper of the Year” na ipinagkaloob ng Gawad TANGLAW sa kategor­yang sining pagsusulat sa media kamakalawa ng hapon sa bulwagan ng Colegio de San Juan de Letran Calamba, Laguna.

Tinanggap nina Al Ped­roche (editor-in-chief) at Mario D. Basco (provincial editor) ang tropeo, medalya at citation mula kina Norman A. Llaguno, MA, pangulo ng Gawad Tanglaw; Teresita Bagalso, MA, tagapa­ngasiwang lupon; Jaime G. Ang, PhD, pangulong emeritus at tagapangulo at Dr. Romeo Flaviano I. Lirio, tagapagtatag at tagapangulong emeritus.

Unang nakamit ng PSN ang parangal bilang “Newspaper of the Year” noong 2013.

Bukod sa Pilipino Star NGAYON ginawaran din ng parangal ang ibang pahayagan, television at radio stations sa iba’t ibang kategorya.

Ang Gawad Tanglaw (Gawad Tagapuring mga Akademisyan ng Aninong Gumagalaw) ay para­ngal na ipinagkakaloob sa movie artists at filmma­kers sa kanilang ipinakitang kagalingan sa pelikula at iba pang sining.

Ang nasabing award-winning body ay binubuo ng mga kritiko, scholars, historians, at professors sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad kung saan may Masteral o Doctorate degree ang bawa’t kasapi upang maging kapani-paniwala ang kanilang pagpili sa pagbibigay ng parangal.  

Ayon kay Dr. Lirio, karamihan sa Filipino newspaper ay naging prayoridad ang pulso ng masa.

 

AL PED

ANG GAWAD TANGLAW

ANINONG GUMAGALAW

BEST FILIPINO NEWSPAPER OF THE YEAR

DR. LIRIO

DR. ROMEO FLAVIANO I

GAWAD TAGAPURING

GAWAD TANGLAW

PILIPINO STAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with