^

Bansa

US troops magpu-pullout na ng relief operations

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipu-pullout na ng Estados Unidos ang tropa nito na nagsasagawa ng humanitarian/relief ope­rations sa mga lugar na grabeng sinalanta ni super typhoon Yolanda.

Sa panayam kay Lt. Gen. John Wissler, pinuno ng 3rd Marine Expeditionary Force at ng binuong Joint Task Force (JTF) 505, sinabi nito na babalik na ang kanilang tropa sa base nito sa Okinawa, Japan sa lalong madaling panahon.

“It’s an honor to help an allied country, it’s great also to extend a helping hand and to bring hope to people in need in typhoon ravage areas,” ani Wissler.

Una nang nagbawas ang US ng assets matapos na maunang umalis sa bansa ang super carrier George Washington, C-130 nito at iba pang aircraft na malaki ang naging papel upang mapabilis ang pagde-deliver ng tone-toneladang relief goods partikular sa Samar at Leyte na pinakagrabeng sinalanta ni Yolanda.

Ang US ang nangu­nguna na nagbuhos ng pinakamalaking tropa kabilang dito ang mahigit 1,000 US Marines, air at naval assets na sumaklolo sa mga nagugutom na evacuees lalo na sa mga ‘isolated areas’ na ilang araw ng hindi nahahatiran ng relief goods.

Samantala mananatili sa bansa ang Great Britain Royal forces na binubuo ng medical at engineering teams para manggamot sa mga survivors at tumulong sa pagtatayo ng mga nawasak na imprastraktura.

Paparating din ang South Korean contingent na tutulong sa rehabilitation mission.

ESTADOS UNIDOS

GEORGE WASHINGTON

GREAT BRITAIN ROYAL

IPU

JOHN WISSLER

JOINT TASK FORCE

MARINE EXPEDITIONARY FORCE

SOUTH KOREAN

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with