Senador na tumanggap ng illegal contributions ilalantad ng Comelec
MANILA, Philippines - Masusing pinag-aaraÂlan ngayon ng Commission on Elections (ComeÂlec) ang paglalabas ng listahan ng mga kandidato na tumanggap umano ng illegal contributions noong May 2013 midterm elections, na kinabibilangan ng mga kasalukuyang nakaupong senador.
Ngunit tumanggi muna si Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. na tukuyin kung sinu-sino ang mga naturang kandidato dahil pinag-aaralan pa umano nila ang isyu, ngunit tiniyak na may mga senador.
Biro pa ng poll chief, sakaling aalisin ang mga nanalong kandidato ay mawawalan umano ng mga opisyal ang pamahalaan kung aalisin, na mistulang pahiwatig na maraÂming nanalong kandidato ang kasama sa listahan.
“I won’t reveal the names for now. But we are studying the issue. We might lose the government if we remove them (from office),†dagdag pa ni Brillantes.
Ayon naman kay Comelec Commissioner Christian Robert Lim, commissioner in charge sa campaign financing, pinag-aaralan na nila ang posibilidad na sampahan ng election offense ang mga prohibited donors.
Nilinaw naman ni Brillantes na uunahin muna nilang asikasuhin ang disqualification cases ng mga kandidato sa katatapos na October 28 barangay elections bago isapinal ang mga reklamo sa illegal contributions.
Sa ilalim ng Omnibus Election Code, ang “prohibited contributions†ay gaya ng donasyon mula sa mga public at private financial institutions, public utilities, mining companies, government contractors, mga kumpanya na nabigyan ng government franchises at loans, educational institutions na tumatanggap ng public funds, empleyado ng Civil Service at Armed Forces of the Philippines at mga dayuhan o mga dayuhang korporasyon.
- Latest