Undas generally peaceful - PNP
MANILA, Philippines - Naging mapayapa sa pangkalahatan ang paggunita sa Undas sa buong bansa kahapon.
Sinabi ni PNP Spokesman PSr. Supt. Wilben Mayor na walang naiuulat na matinding kaguluhan sa mga sementeryo sanhi ng deployment ng sapat na puwersa ng PNP.
“So far maayos naman, walang masyadong problema. Sa dami ng nakadeploy na law enforcement units plus mga barangay tanods plus yung mga volunteer groups so nabawasan ang mga ganong incident,†ani Mayor.
Una nang isinailalim sa full alert status ng PNP ang buong puwersa nito upang magbigay proteksyon sa milyong Pinoy na dadalaw sa puntod ng kanilang mga namayapang mahal sa buhay sa mga sementeryo.
Ayon kay Mayor malaki ang naitulong ng police visibility patrol sa mga sementeryo sa matiwasay na paggunita sa All Saints Day at sa umiiral na gun ban kaugnay ng katatapos na bgy. elections noong Oktubre 28. Ang gun ban ay tatagal hanggang Nobyembre 12, 2013.
Gayunman, sinabi ni Mayor na may isang iniulat na hinihinalang carnapping ng behikulo habang nakaparada sa isang sementeryo sa bayan ng Capas, Tarlac kahapon dakong alas-10:30 ng umaga.
Sinamantala ng mga carnaper ang maraming tao at tinangay ang isang itim na Mitsubishi Adventure (RFW-133).
Ayon naman kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) spokesman P/Chief Insp. Roberto Domingo, karamihan umano ng kanilang naengkuwentrong problema ay ang patuloy na pagtatangkang magpuslit ng armas at alak ng mga nagtutungo sa mga sementeryo.
Ngunit sinabi ni Domingo na patuloy silang magbabantay lalo na sa mga grupo ng mga kabataan na nag-uumpisa ng rambol. Sinabi nito mahigpit na inatasan na ang kanilang mga tauhan na agad na pumagitna sa pagitan ng mga nagkakainitang grupo at buwagin ang mga ito bago pa man tuluyang sumiklab ang gulo.
Sinabi pa nito na isa sa problemang nakaraÂting sa kanila na kanilang tinutugunan na ngayon ay ang pagmamalabis ng mga istambay na lalaki sa paniningil ng malaÂking halaga para sa pagparada ng mga sasakyan sa gilid ng mga kalsada sa bisinidad ng mga sementeryo.
Nabatid na umaabot ng P100 hanggang P300 ang sinisingil ng mga abusadong lalaki bawat sasakyan para payagang makaparada sa mga baÂhagi ng kalsada na inaangkin nilang teritoryo nila.
Mananatili umano ang pagbabantay ng pulisya sa mga sementeryo at mga bus terminals ngaÂyong Nobyembre 2 na ginugunita naman ang Araw ng mga Kaluluwa (All Souls Day).
- Latest