Senado nagiging circus kay Miriam
MANILA, Philippines - Mistulang binuweltahan kahapon ni Senator Sergio Osmeña III si Sen. Miriam Defensor-Santiago sa sinabi ng huli na magiging isang political circus ang heaÂring ng P10 bilyong pork barrel scam sa sandaling isalang na sa pagdinig si Janet Lim-Napoles.
Ipinahiwatig ni Osmeña na nagkakaroon lamang ng “political circus†sa Senado kapag pumapasok si Santiago.
Ayon kay Osmeña, hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ni Santiago na magiging political circus ang heaÂring, pero kung nasa Senado ito (Miriam) ay saka lamang nagkakaroon ng political circus.
Sinabi pa ni Osmeña na palaging nagagalit si Santiago kapag nagde-deliber ito ng kanyang talumpati na maituturing na isang political circus.
Wika ng senador, karapatan ng Senado na magsagawa ng imbestigasyon at nakakalungkot kung tatawagin itong political circus.
Naniniwala naman si Santiago na gagamitin ng mga senador na tatakbo sa 2016 ang pagkakataon upang magpasikat sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa Nobyembre 7 kung saan haharap si Napoles.
- Latest