^

Bansa

P2.268T budget lusot na

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inamin ni House Speaker Feliciano Belmonte na nahirapan sila na maipasa sa ikalawang pagbasa ang P2.268 Trillion General Appropriations Act (GAA) para sa 2014.

Giit ni Belmonte, hin­di naging madali sa kanila ang dalawang linggong deliberasyon para maaprubahan ang pambansang pondo dahil na rin sa mga isyung pinagdaanan sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel at ang paggisa ng mga kritiko ng budget.

Subalit sa kabilang banda ay nagampanan naman umano ng Kongreso ang kapangyarihan nito sa paghimay ng mabuti sa budget tulad na lamang sa ginawang desisyon na tanggalin ang PDAF ng mga kongresista at ilagay sa mga kaukulang ahensya na siyang magpapatupad na ng proyekto.

Sinabi naman ni Appropriations Chairman Isidro Ungab na magsusumite pa lamang ang ibang mambabatas ng kanilang mga hard pro­jects partikular sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Dagdag pa dito ni Belmonte, nagagalak siya sa buong kooperasyon na ibinigay ng mga kalihim ng mga ahensya, cons­titutional offices at mga kawani na nagbigay ng inputs sa buong proseso ng budget.

Ang budget ay inaasahan na maaprubahan naman sa ikatlong pagbasa sa pagbabalik ng sesyon sa Oktubre 14, 2013.

APPROPRIATIONS CHAIRMAN ISIDRO UNGAB

BELMONTE

DAGDAG

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

GIIT

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

TRILLION GENERAL APPROPRIATIONS ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with