Residente sa Zambo ‘Wag muna kayong uuwi - AFP
MANILA, Philippines - Nanawagan ang Armed Forces of the Philippines sa mga residenteng naapektuhan ng kaguluhan sa Zamboanga City na huwag munang babalik sa kanilang taÂhanan habang patuloy ang clearing operations ng kanilang tropa.
Ayon kay Lt. Col. Ramon Zagala, hepe ng AFP public affairs office, maaring may mga bomba sa lugar na hindi sumabog at para maiwasan na rin ang posibleng isyu ng kanilang kalusugan dulot ng mga naagnas na bangkay na naroon.
Nauna rito, sinabi ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na ang krisis sa Zambo ay tapos na kasunod ang may 20 araw na labanan sa pagitan ng puwersa ng pamahalaan at mga tagasunod ni MNLF founding chair Nur Misuari.
Sabi nito, sunod na gagawin ay linisin ang mga naapektuhang lugar para sa mga posibleng booby traps at bomba.
Inaasahan na nilang ang proseso ay maaring nakakapagod dahil sa mga debris na nagkalat bunga ng sagupaan.
“We have to look carefully under the rubble, in the houses. We are looking at a 30- to 40-hectare stretch of rubble,†ayon kay Zagala.
Gayunman, gagawin nila ang kanilang makakaya para matugunan ang dalawang linggong deadline para makumpleto ang clearing operations, sa pangunguna na rin ng Philippine National Police.
Sa kabila nito, hindi umano nila paaalisin ang puwersa ng kasundaluhan sa lugar habang hindi pa nakukumpleto ang clearing operations.
- Latest