OWWA, POEA bubuwagin
MANILA, Philippines - Isinusulong na sa Kamara ang pagbuwag sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
Sa House Bill 191 na inihain ni Pangasinan Rep. Rosemarie Arenas, ito ay upang bigyang daan ang pagtatatag ng Department of Overseas Workers (DOW) na siya namang hahawak sa deployment o repatriation ng mga overseas Filipino workers.
Paliwanag ni Arenas, sa kabila ng maÂlaking kontribusyon ng mga OFW sa bansa ay wala kahit isang ahensiya ng gobyerno na tumutugon sa kanilang mga paÂngangailangan.
Ito ay base umano sa ulat ng Commission on Filipinos Overseas na mayroong 8,579,378 Filipino overseas at mahigit sa kalahati nito na 4,522,4348 ay pawang mga temporary workers.
Bukod dito, ang mga OFW din umano ang nagpapataas ng ekonomiya ng Pilipinas lalo na kung may krisis pang-ekonomiya sa bansa.
Nakasaad sa panukala na ililipat sa DOW ang kapangyarihan at functions ng OWWA, POEA at iba pang kaÂukulang ahensiya sa ilalim ng Department of Labor and Employment at Department of Foreign Affairs.
Idinagdag pa ni Arenas na panahon na para i-realign ng pamahalaan ang resources nito para matutukan ang mga OFW at dapat magkaroon ng isang ahensiya na siyang titingin sa kapakanan ng mga Pilipinong manggagawa sa ibang bansa at kanilang pamilya.
- Latest