"Panatang makabayan" binago na ...
November 11, 2001 | 12:00am
Ipinalabas na ng Department of Education (DepEd) ang rebisadong bersiyon na nakalakhan natin sa mga paaralan nasa ‘‘Panatang Makabayan’’ na ipinag-utos ni Secretary Roco na agad na ipatupad tuwing umaga sa regular na flag ceremony.
Ipinalabas ni Roco ang DepEd Order no. 54 na nag-uutos sa lahat ng empleyado, regional directors, superintendents, at lahat ng prinsipal na ipakabisado ang bagong Panata sa lahat ng mag-aaral.
Bibigkasin ito ng lahat ng empleyado at mag-aaral sa regular na flag ceremony tuwing Lunes habang bibigkasin naman ito ng lahat ng estudyante araw-araw tuwing mag-uumpisa ang kanilang klase.
Ang bagong Panatang Makabayan ay bibigkasin ngayon mula sa
Iniibig ko ang Pilipinas, aking lupang sinilangan,
Tahanan ng aking lahi,
Kinukupkop ako at tinutulungan
Maging malakas, masipag at marangal
Dahil mahal ko ang Pilipinas.
Diringgin ko ang payo ng aking magulang,
Susundin ko ang tuntunin ng paaralan.
Tutuparin ko ang tungkulin ng mamamayang makabayan
Naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal ng buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay, pangarap, pag-sisikap sa bansang Pilipinas.
Samantala, hindi naman nagbigay ng pahayag ang kagawaran kung may nais nitong baguhin ang kasalukuyang pambansang awit na ‘‘Lupang Hinirang’’ na kakambal ng Panata tuwing umaga sa mga paaralan. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest