Robot sa Japan, pinagpapawisan na parang tao upang hindi mag-overheat
ISANG grupo ng mga researchers mula sa University of Tokyo ang nakagawa ng robot na kayang mag-pushup nang maraming beses.
Ngunit hindi ito ang pinaka-nakakamanghang kakayahan ng robot, na pinangalanang Kengoro ng mga lumikha sa kanya.
Nakakapag-pushup kasi nang matagal ang robot dahil sa kakayahan nitong magpawis na parang tao na dahilan kaya hindi ito basta-basta nag o-overheat.
Naging problema kasi para sa mga researchers ang labis na init na nanggagaling mula sa higit 100 motor na inilagay nila sa katawan ni Kengoro upang maging katulad ng sa tao ang kanyang kilos.
Kakaiba ang naging solusyon ng mga researchers sa problema ng init dahil hindi nila ginaya ang disenyo ng ibang mga robot na may radiator at maliliit na bentilador.
Mangangailangan kasi ang mga ito ng dagdag na enerhiya at magpapabigat pa kay Kengoro na maaring makaapekto sa kanyang balanse at sa kakayahan niyang maglakad ng normal.
Sa halip ay dinagdagan na lang nila ng maliliit na tubo ang katawan ng robot kung saan maaring dumaan ang tubig na magpapalamig sa mga motor nito.
Kinukuha ng tubig ang init mula sa mga motor kaya sumisi-ngaw ito pagkatapos na hindi kaiba sa pagpapawis na nangyayari sa katawan ng tao.
Dahil sa kakayahan niyang magpawis ay kayang-kayang tumakbo ni Ke-ngoro ng isang araw na hindi nag o-overheat gamit lamang ang isang basong tubig.
- Latest